Add parallel Print Page Options

20 Pero kung patuloy kayong magrerebelde, tiyak na mamamatay kayo.”

Mangyayari nga ito dahil sinabi ng Panginoon.

Ang Makasalanang Lungsod

21 Tingnan ninyo ang lungsod ng Jerusalem. Matapat ito noon, pero ngayoʼy para nang babaeng bayaran. Datiʼy mga taong matuwid ang mga nakatira rito, pero ngayon ay mga mamamatay-tao. 22 Jerusalem, datiʼy mahalaga ka tulad ng pilak, pero ngayon ay wala ka nang silbi. Noon para kang mamahaling alak, pero ngayon ay para ka nang alak na may halong tubig.

Read full chapter